Sa taong ito nakilahok ang 372 na estudyante ng Senior High School ng DLSHSI Special Health Sciences Institute sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika noong Agosto 16-19 na may temang “Filipino: Wika ng Karunungan”

 

Ang mga kalahok ay naghanda sa iba’t ibang paligsahan kung saan nagtunggali ang siyam na seksyon sa Lutong Pinoy, Larong Pinoy, Paligsahan sa Katutubong Sayaw, at Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay at paggawa ng poster.

 

Sa unang araw, ang siyam na seksyon ay nagpakita ng kanilang galing sa pagluluto kung saan inihanda nila ang iba’t-ibang kilalang pagkain sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

 

Sa ikalawang araw, upang mabigyan ng aliw at saya ang mga estudyante ay nagkaroon ng iba’t ibang palarong Pinoy katulad ng Kadang-Kadang, Karerang Kawayan, at Tumbang Preso na ginanap sa De La Salle Animo Center. Ang mga palarong ito ay naglalayong ipabatid sa mga kabataan ang kulturang Pilipino at iparamdam ang halaga ng kasiyahang naidudulot ng pagiging isang Pilipino.

 

Kasabay ng pagdiriwang, nagsagawa rin ng isang patimpalak kung saan nagpamalas sila ng kanilang talento sa pagguhit. Ang bawat seksyon ay naghanda ng isang katutubong sayaw katulad ng Waray–Waray, Tinikling, Maglalangka, Cariñosa, at Itik-Itik. Mababakas ang kagalakan at ang nais nilang mapakita ang mga katutubong sayaw ng bawat lugar na ibinigay sa kanila.Sa pagtatapos ng paligsahang ito ang Seksyon Dalawa ang tinaguriang overall champion sa buong selebrasyon.

 

Sa pagtatapos muli ng isang taunang selebrasyong ito, ang bawat estudyante ay nabigyan ng pagkakataon upang ipabatid sa kanila na ang wikang Filipino ay kinakailangang pahalagahan at ipahayag ng madalas.

 

Ayon kay propesor Roel Hayag ang ganitong klaseng selebrasyon ay nagpapatunay kung gaano kaunlad ang wika at sa bawat paligsahan ang estudyante ay natututo na ang oras ay hindi dapat sayangin at gawin itong makabuluhan.

 

Talaan ng mga nagwagi sa mga paligsahan sa Buwan ng Wika 2016

Lutong pinoy
Unang gantimpala : Seksyon 3
Ikalawang gantimpala : Seksyon 2
Ikatlong gantimpala : Seksyon 8

Larong Pinoy
Unang gantimpala : Pangkat Dilaw ( Seksyon 3 , Seksyon 8 at Seksyon 9 )
Ikalawang gantimpala : Pangkat Asul ( Seksyon 2 , Seksyon 4, at Seksyon 5 )
Ikatlong gantimpala : Pangkat Pula ( Seksyon 1 , Seksyon 7 at Seksyon 6 )

Katutubong Sayaw
Unang gantimpala : Seksyon 2
Ikalawang gantimpala : Seksyon 8
Ikatlong gantimpala : Seksyon 5

Sanaysay
Unang gantimpala : Mary Kathleen V. Tronco (seksyon 3)
Ikalawang gantimpala : Nicole Camama (seksyon 5)
Ikatlong gantimpala : Kate Reyes (seksyon 6)
Andrea Pauline Panaligan (seksyon 7)

Paglikha ng Poster ( digital )
Unang gantimpala : Dhahran Mae Lopez (seksyon 7)
Ikalawang gantimpala : Kirsten Vilrey O. Sunga (seksyon 1)
Ikatlong gantimpala : Marc Adrian A. Roxas (seksyon 2)

Paglikha ng Poster ( Manwal )
Unang gantimpala : SHS 3 — Lizzy Jane Niquole Y. Ricardo
Ikalawang gantimpala : SHS 9 – Mickaela D. Olan
Ikatlong gantimpala : SHS 8 – Jerryl Mae M. Cainglet

Over-all Champion
Unang gantimpala : Seksyon 2
Ikalawang gantimpala : Seksyon 8
Ikatlong gantimpala : Seksyon 9